BILANG na ang araw ni Energy Secretary Jericho Petilla kapag hindi natupad sa loob ng 45 araw para kumpletuhing malagyan ng suplay ng kuryente ang mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.
Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na hindi nagbibiro ang Pangulong Benigno Aquino III nang sabihin na kailangan nang mabigyan ng suplay ng kuryente ang mga lugar na hanggang ngayon ay nangangapa sa dilim dahil sa bagyong Yolanda o agad na magsumite ng resignation letter ang mga ito at hihintayin niya sa kanyang tanggapan.
“You go by the word of the President I don’t think anyone doubts the seriousness of the President when he made that statement,” ayon kay Usec. Valte.
Sa ngayon ay nanatili naman ang “full trust and confidence” ng Chief Executive sa Kalihim.
Kaya nga, ang pakiusap ng Malakanyang ay bigyan ng publiko ng sapat na panahon si Sec. Petilla.
Matatandaang sa idinaos na ika-28 anniversary Celebration ng EDSA People Power Revolution sa Cebu Provincial Capitol sa Cebu City ay inamin ng Punong Ehekutibo na hindi na siya natutuwa na dinatnan niyang walang kuryente ang Davao Oriental.
The post Sec. Petilla bilang na ang araw sa DoE appeared first on Remate.