HANDA si dating Technology Resource Center (TRC) General Manager Dennis Cunanan na sumailalim sa lifestyle check at lumagda sa waiver para mabusisi ang kanyang bank accounts.
Ito ang banat ni Cunanan sa mga duda sa kanya kung nakinabang sa mga nasa likod ng iskandalo sa paglustay sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Una nang kinuwestiyon ni Sen. Grace Poe ang pagiging state witness ni Cunanan sa basehang 2004 pa ito nagsilbi sa TRC kaya imposible na walang natanggap na kickback sa pag-release ng pork barrel funds.
Sa kalatas, sinabi ni Cunanan na Deputy Director lamang ito mula 2006 hanggang 2009 sa TRC at wala sa kanyang kapasidad ang mag-apruba ng PDAF funded projects.
Taong 2010 nang pamunuan ang TRC ngunit marami itong naipatupad na reporma pangunahin na rito na bago maaprubahan ang isang proyekto ng PDAF ay may rekomendasyon mula sa Commission on Audit (CoA) bukod pa sa nakapag-blacklist din ito ng 47 NGOs at ilang local government units noong 2010 na nabigong mag-liquidate ng kanilang pondo.
Una nang sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na nasa Office of the Ombudsman pa rin ang desisyon kung tatanggaping state witness si Cunanan sa pork barrel scam ngunit sa panig ng DoJ ay naniniwala silang less guilty ito at hindi basehan ang lifestyle check para mawala ang kumpiyansa nila dito.
The post Bank accounts ni Cunanan handang ipabusisi appeared first on Remate.