NASAGIP ang ilang Chinese nationals na biktima ng human trafficking makaraang salakayin ng operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang bodega sa Maynila kanina.
Lumalabas na siyam na bodega sa Bambang Tondo, Maynila ang sinalakay ng operatiba kung saan nakitang itinatago ang mga dayuhan.
Ang nasabing mga Chinese ay pinagtatrabaho ng walang kaukulang working visa.
Kinilala naman si David Tan ang may-ari ng bodega na agad namang pinabulaanan ng source ng NBI na si Tan na sabit naman sa rice smuggling.
The post Chinese nationals nasagip sa mga bodega sa Tondo appeared first on Remate.