KALABOSO ang dalawang babae matapos mahulihan ng shabu sa Valenzuela City Lunes ng gabi, Pebrero 24.
Nakilala ang mga suspek na sina Marjoe Pabillo, alyas Marichu, 30 ng Purok 4, Mapulang Lupa at Margarita Vasquez, alyas Inday, 44 ng Lamesa St., Ugong kapwa ng lungsod.
Sa ulat, alas-9:30 ng gabi, nagsagawa ng operasyon ang mga pulis sa Lamesa St., Ugong nang mahulihan ng tatlong sachet ng shabu ang mga suspek na naging dahilan upang dalhin sa presinto.
The post 2 bebot huli sa bato sa Valenzuela appeared first on Remate.