PATAY ang 53-anyos na binata matapos saksakin ng dating karelasyon ng kanyang ka-live-in ngayon sa Barangay Poro, San Fernando, La Union.
Kinilala ang biktima na si Froilan Hufana, ng nasabing lugar.
Sa ulat, sadyang pinagplanuhan ng salarin na si Dionisio Barillo, 51, ng Barangay Gana ang pagpatay sa biktima dahil sa selos.
Lubos na ikinagagalit ng suspek ang relasyon ng biktima sa kanyang dating karelasyon.
The post Binata patay sa love triangle appeared first on Remate.