UTAS ang 31-anyos na lalaki nang saksakin ng kanyang lasing na bespren sa Purok Uno, Barangay San Agustin, San Fernando, La Union.
Kinilala ang biktima na si Carlo Picurro, habang agad namang nasakote ang suspek na si Jezriel Emperador, 27.
Sa imbestigasyon, nag-iinuman ang dalawa sa nabanggit na barangay alas-12:00 kagabi ng magkaroon nang pagtatalo hanggang kumuha ng patalim ang salarin at pinatay ang kanyang kaibigan.
Laking pagsisisi naman ng suspek sa kanyang nagawa.
The post Kelot utas sa senglot na bespren sa La Union appeared first on Remate.