MALASIQUI, PANGASINAN – Patay na nang makita ang 90-anyos na retiradong titser nang pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanilang bahay sa Malasiqui.
Iniwan pang nakatarak sa dibdib ang kutsilyo kay Felipa Monto, ng Barangay Umando, Malasiqui.
Sa imbestigasyon, galing palengke si Myrna Alejandrino nang maabutan ang kanyang nanay na nakahandusay na sa loob ng kanilang bahay at patay na.
Sa teorya ng pulisya, pagnanakaw ang motibo ng suspek sa krimen sapagkat gulo-gulo ang loob ng bahay nito.
Patuloy sa imbestigasyon ang pulisya.
The post Retired teacher inutas ng magnanakaw appeared first on Remate.