SINAGOT ni Senator TG Guingona ngayon ang pagpapahayag ng sama ng loob kahapon ni Senator Jinggoy Estrada hinggil sa naging testimonya ni Ruby Tuason sa PDAF scam sa Senado.
Ani Guingona, walang personalan, trabaho lang ang sa kanya at bumase lang siya sa mga testimonya at ebidensiya na inilalatag ng mga testigo sa ginaganap na hearing ng PDAF scam.
Kung meron man aniyang salitang nakasakit kay Jinggoy, iyon ay hindi intensiyonal.
Muli namang itinanggi ni Jinggoy ang pagkakadawit sa PDAF scam.
The post Trabaho lang, walang personalan – Guingona appeared first on Remate.