PATAY ang dalawang bata matapos kumain ng wild cassava sa Sitio Ambag, Barangay Sto. Nino, Kidapawan City sa ulat ng awtoridad.
Kinilala ang mga biktima na sina Irene Diarog, 4 at kapatid na si Jessica Diarog, 3.
Bukod sa namatay, nasa pagamutan pa rin ngayon sina Alvin Diarog; magkapatid na Ronalyn at Renalyn Almadin; at magkakapatid na sina Arnel, Honey at Sarah.
Ipinadala na ang sample ng sari-saring cassava sa Department of Health (DoH) para sa toxicity test.
Batay pa sa pag-aaral, sinabi ng city health officials na ang root crop ay may hydrocyanic acid o hydrogen cyanide na itinuturing na mapanganib.
The post 2 bata patay sa cassava cake appeared first on Remate.