PATAY ang isang lalaki nang magbigti habang nasa impluwensiya ng ilegal na droga sa Cagayan de Oro City.
Lumalabas na patay na nang makita ng mga residente sa Zone 7, Brgy. Bulua ang biktima na si Ramil Alvarez, 30, hiwalay sa asawa.
Wire ang ginamit ng biktima sa pagbibigti sa puno ng mangga.
Sinasabing bangag sa droga ang biktima nang magpakamatay.
Hinala naman ng mga kamag-anak ng biktima na sobrang dinibdib nito ang pakikipaghiwalay sa kanya ng kanyang misis.
The post Kelot na bangag sa droga, nagbigti appeared first on Remate.