IPINAABOT ng Malakanyang ang kanilang pakikidalamhati sa pamilya ng naiwan ng namayapang si dating Supreme Court (SC) Associate Justice Secretary Serafin Cuevas.
Si Cuevas, 85, ay naging Justice Secretary noong Hulyo 1, 1988 hanggang Pebrero 15, 2000 sa ilalim ng Estrada administration at kilalang lead defense counsel sa impeachment trial ni dating SC Chief Justice Renato Corona.
“We extend our condolences to the family of the late justice Serafin Cuevas who dedicated a good portion of his life and career to public service,” ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma, Jr..
Sa ulat, kasalukuyang naka-half mast ang bandila ng Korte Suprema bilang pagbibigay pugay sa namayapa.
The post Malakanyang, nakidalamhati sa pamilya ni Cuevas appeared first on Remate.