DUMAGSA ang mga tagahanga, kapamilya at mga kaibigan ng yumaong komedyante at aktibistang si Arvin “Tado” Jimenez sa burol nito Linggo ng hapon.
Binuksan ng pamilya nito ang pintuan para masulyapan muli ang komedyante alas-2:00 ng hapon sa Paket Santiago Funeral Homes sa Sta. Elena, Marikina City.
Naiuwi ng Maynila ang labi ni Tado galing sa Bontoc General Hospital alas-3:00 Linggo ng madaling-araw matapos pumanaw kasama ang 13 pasahero ng bus na nalaglag sa bangin sa Bontoc, Mt. Province ng Pebrero 7.
Maaari pang dumalaw sa open public viewing ng burol ng aktor hanggang sa Pebrero 11.
Pinaplantsa naman ng pamilya ang planong libing sa Pebrero 12.
#RIPTado
Samantala, patuloy ang pakikiramay ng netizens sa biglaang pagkamatay ng komedyante.
Inihandog ang “RIP Tado Jimenez” page sa Facebook para sa aktor.
Nag-trending din sa micro-blogging site na Twitter ang #RIPTado kung saan inilabas ng fans ang kalungkutan nila sa aksidente.
@ivymendoza: Ang daming ‘tado sa ‘Pinas, si Tado pa ang namatay.#RIPTado
@madelsarao: yung katulad ni TADO ang talaga panghihinayang mo. matalino, may malalim na prinsipyo at may adbokasiya sa buhay. #RIPTado
@UncannyDinky: Laughter without the need to insult other people, that is the mark of a true comedian. You will be missed. #RIPTado
@harryarellanoo_: “Mabuti pa ang unggoy, hindi nya alam na sya ay unggoy, ang tao nakalimutan ng magpaka TAO” – Tado Jimenez #RIPTado
@daimaraga: “di bale nang tamad di naman pagod”- sir tado. My favorite quote from one of the coolest guys in the phil. #RIPTado
Nakiramay at inalala rin ng ilan sa mga sikat na personalidad ang yumaong aktibista.
@BogartDexplorer: Paalam kapatid. Ayo2x nalang sa diha, chui. #RIPtado
@suzy899: Oh no Tado. The world just lost a brilliant, BRILLIANT man. #RIPTado
@rarivera9: Naglaro ako kanina ng Boggle sa iPad, lumabas na magkakatabi ang mga letters T, A, D, O. Napangiti ako.
The post Fans ni Tado, dumagsa sa burol appeared first on Remate.