INANUNSYO ng developer ng sikat na Flappy Bird na aalisin na sa app stores ang bagong kinahuhumalingang laro ng smartphone users ngayong Lunes.
Sa isang post sa kanyang opisyal na Twitter account Linggo ng umaga, inanunsyo ito ng developer na si Dong Nguyen ng GEARS Studio,na naka-base sa Hanoi, Vietnam: @dongatory: I am sorry ‘Flappy Bird’ users, 22 hours from now, I will take ‘Flappy Bird’ down. I cannot take this anymore.
Hindi naman idinetalye ni Nguyen ang dahilan niya at hindi rin niya ito ipagbibili sa mga developer na interesado rito.
“I can call ‘Flappy Bird’ is a success of mine. But it also ruins my simple life. So now I hate it.”
Ikinalungkot naman ng netizens ang balita:
Noong nakaraang taon nang inilabas ang “Flappy Bird” na kaagad pumatok sa Android at iOS users ngunit umani naman ng batikos mula sa ilang galit na user na hirap makapuntos ng mataas sa naturang laro.
The post ‘Flappy Bird’ goodbye na appeared first on Remate.