Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Retired teacher nilaslas sa leeg sa Vale

$
0
0

PATAY na nang matagpuan ang retiradong guro habang sugatan ang pamangkin na lalaki nito matapos pagsasaksakin ng hindi pa kilalang lalaki na nakapasok sa bahay ng una sa Valenzuela City Sabado ng umaga, Pebrero 8.

Dead on the spot sanhi ng laslas sa leeg si Virginia Francisco, 68, ng Rincon st., Francisco cmpd., Malinta, habang ginagamot naman sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga galos sa braso at dibdib ang pamangkin na si Virgilio Francisco ng nabanggit na lugar.

Sa ulat, alas-9:30 ng umaga, nakita ni Virgilio na bukas ang gate ng kanyang tiyahin habang pagala-gala sa labas ang alagang aso.

Bukas din ang pinto ng bahay ng biktima at nang pasukin ng pamangkin at umakyat sa ikalawang palapag ay nakita ang tiyahin na duguan at nakahandusay sa sahig.

Habang tinitingnan ang kalagayan ng biktima ay sumulpot ang suspek sabay sapak kay Virgilio at kahit hilo ay nagawang makalaban hanggang sa magsuntukan.

Naglabas ng patalim ang suspek at inundayan ng mga saksak si Virgilio na nagawang masalag at makapaghanap ng sandatang panlaban subalit mabilis na nakatakbo ang suspek na may kapayatan hanggang sa makatakas.

Dinala naman sa VGH si Virgilio habang inaalam na ng mga pulis  kung may nawala sa biktima at kung sino ang suspek.

The post Retired teacher nilaslas sa leeg sa Vale appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


WAKAWAK


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KASERA


PAGBABATA


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTUTAN


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


HALINGHING


PANGIMBULUHAN


BEMBANG


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>