SA HALIP na mapikon ay pinasalamatan pa ni Pangulong Benigno Aquino III ang Chinese state-run agency na Xinhua nang tawagin siyang ignorante at bagitong politiko nang ikumpara ng Chief Executive ang Chinese rulers kay Adolf Hitler.
Sa isang panayam matapos ang Philippine Army Change of Command sa Philippine Army Grandstand, Fort Bonifacio, Taguig City ay sinabi nito na hindi siya nainsulto sa itinawag sa kanya ng Xinhua dahil pinatunayan lamang nito (Xinhua) na hindi nito kayang pangatawanan ang kanilang posisyon sa usapin ng West Philippine Sea.
Binigyang diin pa ng Chief Executive na kung maganda aniya ang kanilang nilalayon ng Xinhua at maganda ang pananaw o mga dahilan na sumusuporta sa kanilang posisyon ay naniniwala ang Pangulong Aquino na hindi magne-name calling ang Xinhua.
The post PNoy nagpasalamat sa pang-iinsulto ng Xinhua appeared first on Remate.