Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pinas walang balak gantihan ang Hong Kong

$
0
0

WALANG balak ang gobyernong Aquino na gantihan ang Hong Kong government matapos kanselahin ng huli ang visa-free entry ng mga opisyal at diplomat ng Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma, Jr. na nakatuon ang kanilang pansin sa mga hakbang na makakapagpalapit sa pagkakaroon ng pagkakaunawaan at ang pagtalima o ang pagkalinga sa mga apektadong pamilya.

Bukod pa rito, sa anuman aniyang sitwasyon ay mayroong pagkakaiba ng pananaw subalit para sa Malakanyang ay dapat pag-ukulan ng pansin ang mga hakbang na magpapalapit sa pagtitiwala at magpapabilis sa pagkakaroon ng pagkakaunawaan.

Tinuran nito na hindi lamang naman ang pamahalaan ang sangkot dito kundi maging ang mga pamilya ng naiwan na biktima ng Quirino Grandstand incident  noong Agosto 2010.

Kaya nga patuloy na pinaghahandaan ng pamahalaan na maipahataid ang mga “articles of solidarity” na napagkaisahan na ng magkabilang panig noong nakaraan, sapagkat nais ng gobyerno na maibsan ang naging karanasan ng mga apketado ng pamilya hinggil dito.

Q: Sir, after ‘yung official at diplomatic visa ay sober na ipinu-push ng mga Hong Kong legislators ng pagkansela rin ng visa-free access ng mga turista na Pilipinong pupunta roon, so they are now inclined to (propose) those. Meron ba tayong bagong representation na gagawin doon? And may bago bang tack na ating gagawin? I understand ‘yung una nating ginawa ay bigo dahil hindi na natin nakuha ‘yung, kumbaga, inaasahan natin na resolusyon. May mga bago bang mga diskarte para mapahupa ‘yung emosyon ng Hong Kong government?

SEC. COLOMA: Sa ganyang katanungan noong nakaraan nating pakikipagtalakayan, ang naging tugon natin—at ‘yon pa rin ang tugon ngayon—may responsibilidad ang ating pamahalaan na pangalagaan ang kapakanan ng ating mga mamamayan. Kasama doon sa kapakanan na ‘yon ‘yung ease of travel, ‘di ba, at ‘yung employment opportunities.

Kaya sinasabi natin na naghahanda naman ang ating pamahalaan ng mga karampatang hakbang para tiyakin na ‘yung kapakanan ng ating mga mamamayan ay mapangalagaan. Hindi lang talaga natin makokontrol ‘yung aksyon ng mga external parties. We can only control our response to those actions.

HIHINTAYIN naman ng Malakanyang ang magiging pahayag ng Department of Foreign Affairs sa posibilidad na kanselahin na din ng Piliinas ang vise-free privilege na ibinigay sa mga Hong Kong nationals.

“Sapagkat sila naman ang gumagawa ng masinsin na pagtutok doon sa sitwasyon para tiyakin na hindi naman tayo mapapalagay sa sitwasyon na ikagugulat natin ang mga pangyayari. Ang mahalaga ay dapat maging handa tayo for any eventuality,” aniya pa rin.

SAMANTALA, niresbakan naman ng Malakanyang ang patutsada ng Chinese State News Agency na Xinhua na bagito at ignorante si Pangulong Aquino nang ikumpara nito ang mga Chinese rulers kay Adolf Hitler.

“Mahalagang matuto mula sa aral ng kasaysayan at gawin itong gabay sa pagkilos. Ang aral para sa lahat ng mga bansang malaya ay ito: kailangan ang pagkakaisa sa pagtataguyod ng katuwiran. Dapat umiral ang prinsipyong “right is might”, hindi iyong “might is right”, ang pahayag ni Sec. Coloma.

The post Pinas walang balak gantihan ang Hong Kong appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan