ISINULONG ngayon ni Northern Samar Rep. Emil Ong na tanggalin na ang buwis sa bigas.
Kasama na aniya rito ang import tax na isa sa dahilan kung bakit talamak ang rice smuggling sa bansa.
Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food at Special Committee on Food Security, sinabi ni Ong na sa kabuuan ay umaabot ng 40 porsiyento ang buwis sa bigas.
Ito aniya ay bagama’t labag sa Saligang Batas na patawan ng malaking buwis ang pangunahing pangangailangan at pagkain ng publiko na mas mataas pa sa ipinapataw sa ilang luxury goods.
Sinabi ni Ong na dahil sa mataas na buwis sa bigas ay parang ang gobyerno na rin ang nagsusulsol sa iligal na pagpupuslit nito.
Iminungkahi rin ni Ong pati na ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na ipaubaya na lamang sa National Food Authority ang rice importation at alisan ito ng kapangyarihan na magbigay ng import permits sa mga pribadong negosyante.
The post Buwis sa bigas isinulong na alisin appeared first on Remate.