MAHIGIT P13 milyong piso ang nabingwit ng isang Caviteno nang masapol nito ang jackpot prize ng 6/42 lotto na binola kamakalawa ng gabi sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.
Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas, II, tumaya sa isang lotto outlet sa Silang, Cavite ang nakakuha sa tamang kombinasyong 11-42-40-27-31-18 na may kabuuang premyong P13,808,970.00.
Wala namang nakakuha sa lumabas na kombinasyong 43-19-40-10-36-11 ng 6/55 Grand Lotto na binola rin kamakalawa ng gabi na may kabuuang premyong P30,000,000.00.
Sinabi ni Rojas na ang paglobo ng bilang ng mga tumatangkilik sa pagtaya sa lotto ang dahilan kaya’t lumalaki rin ang tsansa ng mga mananaya na tamaan kaagad ang kanilang mga jackpot prizes sa lotto.
Maganda, aniyang, indikasyon ito dahil habang dumadami ang tumataya ay lalung lumalaki rin kanilang pondong naibabahagi bilang benepisyo at tulong sa mga mahihirap na mamamayan na higit na nangangailangan.