ITINAAS na sa signal number one ang ilang lalawigan sa Visayas at Mindanao sa pagpasok ng bagyong Basyang.
Ilan sa mga ito ay ang Surigao provinces, Siargao Island, Dinagat province at Misamis Oriental, habang Southern Leyte naman sa Visayas.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,108 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao Sur taglay ang lakas ng hangin na 55 kilometro bawat oras, habang kumikilos nang pakanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras.
The post Signal No. 1, itinaas sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao appeared first on Remate.