Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Suspensyon ng visa-free arrangement ikinalungkot ng Malakanyang

$
0
0

LABIS na ikinalungkot ng Malakanyang ang naging posisyon ng Hong Kong government na suspendihin ng 14-araw ang visa-free arrangement sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma, Jr. na ginawa naman ng pamahalaan ang lahat ng kanilang makakaya upang maresolba ang Quirino Grandstand incident.

Iyon nga lamang, hindi talaga nila magagawa ang magbigay ng public apology.

“Except for one unresolved matter, all of the demands and issues have been resolved by both parties. Hence, we regret the implementation of sanctions against the Philippines, particularly the requirement of visas for Philippine officials and diplomatic passport holders,” ani Sec. Coloma.

Sa kabilang dako, nananatili naman silang committed na bigyan ng pinal na konklusyon ang usaping ito.

Handa naman aniya sila na i-turn-over ang karagdagang tokens of solidarity sa bansang Hong Kong.

Handa pa rin aniya sila na muling ulitin ang malaking pagkadismaya at pakikidalamhati sa nasabing insidente.

“We will continue to work with the government of HongKong Special Administrative Region, hopeful that they so desire to bring complete closure to this incident,” anito.

Sa ulat, sinabi naman ng Philippine Consulate General sa Hong Kong: “Regular passport holders (green and maroon) are not affected. Mga kababayan, hindi po kayo apektado sa policy na ito kung ang passport ninyo ay green o maroon.”

Ang suspensyon na magsisimula ng Pebrero 5, “will only be applicable to diplomatic (blue passport) or official (red passport) holders,” dagdag nito.

Noong Miyerkules, inanunsyo ng gobyerno ng Hong Kong ang desisyon nitong isuspinde ang visa-free arrangement sa Pilipinas bilang kaparusahan kaugnay sa nangyaring hostage crisis sa Maynila noong 2010.

Sa ulat ng Radio Television Hong Kong (RTHK), sinabi ni Chief Executive C.Y. Leung na nag-ugat ang desisyon sa pagkabigo ng Pilipinas na humingi ng tawad para sa pagkamatay ng walong turistang taga-Hong Kong sa trahedya, mahigit tatlong taon na ang nakalilipas.

Sa insidente noong Agosto 2010, nang-hostage ang isang tinanggal na pulis ng mga turista sa pagnanais na maibalik siya sa trabaho. Napatay siya at ang walo pang hostages sa pumalpak na rescue operation.

Subalit, sinabi rin ni Leung na mayroon nang progreso sa isyu, kabilang ang pag-alok ng gobyerno ng Pilipinas ng kompensasyon para sa isa sa mga nakaligtas.

The post Suspensyon ng visa-free arrangement ikinalungkot ng Malakanyang appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>