Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Rules of engagement susundin ng AFP at PNP

$
0
0

TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na susundin ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang rules of engagement at igagalang ang karapatang-pantao sa oras na tugisin na ng mga ito ang splinter group na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ng secessionist rebels sa Mindanao.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office head Herminio Coloma, Jr.  na pangunahing layunin nito na harangan ang pagpasok sa komunidad ng BIFF sa komunidad ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

“Kailangang unawain natin na … ang pangunahing responsibilidad ng AFP at PNP ay pangalagaan ang kaligtasan ng ating mamamayan,” ang pahayag ni Coloma.

Sinabi pa rin niya na kapwa tinanggap ng military at pulis ang rules of engagement upang matiyak na naaayon ang kanilang mga hakbang.

“Nakatitiyak tayo na ang lahat na kilos ng AFP at law enforcement agencies, tumatalima sa batayang prinsipyong yan,” ang pahayag ni Sec. Coloma.

Siniguro naman ni Sec.Coloma sa Moro National Liberation Front na walang diskriminasyon sa operasyon.

The post Rules of engagement susundin ng AFP at PNP appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>