IGAGALANG ng Malakanyang ang naging desisyon ng Korte Sprema na ibalik sa puwesto si Deputy Ombudsman Emilio Gonzales III matapos sibakin ng Office of the President tatlong taon na ang nakararaan.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr. na susundin ng Malakanyang ang isinasaad ng batas at kautusan ng korte.
“Ang aming position sa ganoong bagay ang paggalang sa desisyon ng hukuman. We are abiding by decisions of the court dahil sumusunod tayo sa batas,” anito.
Tinukoy nito ang ulat na kinatigan ng Korte Suprema ang pagbabalik sa puwesto ni Gonzales makaraang maging palpak sa paghawak ng kaso ng police officer na sangkot sa Manila hostage crisis noong Agosto 2010.
Sa ulat, ang Mataas na Hukuman ang nagbibigay ng kautusan habang may kapangyarihan naman ang Tanggapan ng Pangulo na disiplinahin ang Office of the Special Prosecutor.
Wala naman itong kapangyarihan sa Office of the Deputy Ombudsman.
The post Pagbalik sa puwesto kay Deputy Ombudsman Emilio Gonzales III okay sa Malakanyang appeared first on Remate.