PINALAGAN ng Malakanyang ang ulat na isang uri ng political persecution ang naging kautusan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na sampahan ng P130 million forfeiture at perjury case sa Sandiganbayan si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona at ang asawa nitong si Cristina.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma, Jr. na may documentary evidence laban kay Corona kaya nararapat lamang na maisulong ang pagsasampa ng kaso laban dito at sa kanyang asawa.
“Paano ito matatawag na persecution samantalang ang batayan ay documentary evidence? Siguro kung naging patuloy lamang iyong pagparatang sa pahayagan o sa mga programa ng telebisyon, iyon siguro iyong masasabi nating walang batayan pero ito naman ay pagkilos ng isang independent constitutional body that is the Ombudsman. We trust that this action was taken by the Ombudsman on the basis of objective gathering of information and the case was filed based on concrete evidence. It’s the independence of the office and integrity of the Ombudsman herself that is on the line here. That is why we join our people in hoping that this is a process that will have a beneficial outcome,” aniya pa rin.
Sinabi pa rin niya na batid naman ng lahat ang pinagmulan ng kontrobersiya ni Corona ay ang ‘yung impeachment na humantong sa impeachment trial at impeachment trial na humantong naman aniya sa conviction at hayagang pagpapatalsik kay Corona.
Sinabi pa rin niya na ito ay bahagi rin ng isang legal process at kung sinabi aniya na ang conviction ng chief justice na idinaan sa impeachment trial ay pagpapatunay lamang ng democratic processes.
Ang mahalaga aniya rito ay ipinapakita na ang evidence-based at hindi nanatili sa press release o sa trial by publicity.
Dinaan aniya ito sa proseso ng pagkalap ng konkretong ebidensiya hanggang humantong sa paghahain ng complaint.
Kaya dapat lamang aniyang ikagalak at ikatuwa ng lahat na nagkaroon ng progreso sa proseso ng paghahanap ng katotohanan at katarungan.
Nauna nang kinondena ni Corona ang pagsasampa sa kanya ng kasong katiwalian sa pagsasabing patuloy silang hinaharas ng gobyerno at kaya nitong patunayang mula sa ligal na paraan ang kanyang yaman.
The post Malakanyang, binuweltahan si Corona appeared first on Remate.