MAKARAANG umunlad ang ekonomiya ng bansa ayon na rin sa ulat ng National Statistical Coordination Board (NSCB), nagsasabing tumaas ng 6.6-percent ang gross domestic product (GDP) noong isang taon ay pinuri ni dating Pangulo, ngayon ay Pampanga Represenattive Gloria Macapagal-Arroyo si Pangulong Benigno Aquino III.
Ani GMA, nasa tamang landas si PNoy kaya lumago ang ekonomiya ng bansa na nasa 7.9 percent bago ang unang bahagi ng 2010.
Pero matapos pumuri ay bumanat din si GMA sa administrasyong Aquino na kahit aniya nilabanan din ng dating pangulo ang korapsyon, sumunod naman ito sa rule of law at iginalang ang kasarinlan ng hudikatura.
Kamakailan lamang ay muli na namang nabanggit ni Aquino si Arroyo sa talumpati.
Ani PNoy, hindi sapat na kasuhan lang ang dating pangulo at patalsikin ang dating Chief Justice Renato Corona para buwagin ang korapsyon sa bansa.