TINANGKANG kunin ni Deniece Cornejo para mapanood ang kuha ng closed circuit television (CCTV) camera sa kanyang inuupahang Forbeswood Heights Condominium sa Taguig City.
Sinabi ni Atty. Alma Mallonga, abogado ni Vhong Navarro, na lumapit kinabukasan sa pamunuan ng condo si Cornejo matapos maganap ang pambubugbog sa kanyang kliyente at nagtanong kung paano mare-review ang kuha ng CCTV.
“Yes, because the day after, yung gabi matapos mangyari ito, nagtanong kasi si Deniece [sa Forbeswood admin] tungkol dun sa CCTV at nagtatanong siya kung paano niya mare-review yung tape,” ani Mallonga.
Hiningan aniya ng administrator si Cornejo ng justification kung bakit kailangan nitong makita ang footage.
“Sinabi sa kanya to make the proper request [dapat may] justification. Ang sabi niya raw na kasi mukhang merong nanakaw sa kanya kaya gusto niyang makita ang CCTV.”
Pero hindi na aniya naghain pa ng formal request si Cornejo “kasi nagkabukuhan na”, giit pa ng abogado.
Bukod dito, sinabi din ng abogado na bumalik ang grupo nina Cedric Lee sa unit para maglinis noong mismong madaling-araw na naganap ang insidente (Enero 23).
“3 o’clock, bumalik yung grupo nina Deniece, Bernice Lee, pati si Cedric Lee at ang nakalagay sa logbook umakyat sila dun dahil maglilinis daw sila… meron daw silang mga lilinisin kasi nagkagulo dun,” kwento ni Mallonga.
Hindi pa rin napupuntahan ng awtoridad ang condo unit na pinangyarihan ng pambubugbog sa actor/tv host.
Kumbinsido naman ang kampo ni Navarro na may nangyaring krimen at pananagutin dito sina Cornejo at Lee.
“Sa amin, in our well-considered view, there is a strong case for serious illegal detention which is non-bailable.”
Nasampahan na ng patong-patong na kaso ang grupo nina Cornejo at Lee sa NBI kasama ang iba pa nitong mga accomplice.
Habang naisapubliko na ng NBI ang mga kuha ng CCTV sa condo na lumilitaw na taliwas ang pahayag nina Cedric at Cornejo.
The post Deniece tangkang kumuha ng CCTV sa condo appeared first on Remate.