KINASUHAN na ng rape ni Deniece Cornejo si Vhong Navarro sa Taguig City RTC ngayon lamang.
Kasama ni Cornejo sa paghahain ng demanda ang kanyang mga abogado na sina Atty. Howard Calleja at Atty. Connie Jimenez.
Matatandaan na Miyerkules, Enero 22 nang tangka siyang gahasain ng aktor sa kanyang condo na nauwi sa pambubugbog sa aktor ng kaibigan ni Cornejo na si Cedric Lee at grupo nito.
Kanina naman sa inilabas na CCTV footage ng NBI, ipinahayag ng ahensiya na imposible ang sinasabing rape ni Cornejo dahil mas tumutugma ang testimonya ni Navarro kaysa sa kanila ni Lee.
Dagdag pa ng NBI na bahala na ang prosecutors na magdesisyon sa nasabing kaso.
The post Vhong, kinasuhan na ni Deniece appeared first on Remate.