PATAY ang isang hindi pa kilalang mga suspek na mistulang inilaglag ng inangkasan makaraan barilin ang una ng hindi pa isa sa dalawang hindi pa kilalang mga suspek na hinihinalang kakilala ng inangkasan ng biktima sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw, Enero 29.
Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang tinatayang nasa edad 30 hanggang 35, naka-itim na t-shirt at maong na short.
Base sa kuha ng Closed Circuit Television ng Barangay 28, ala-1:14 ng madaling-araw, nakaangkas ang biktima sa hindi pa kilalang lalaki at tumigil sandali sa C-3 Road ng lungsod na tila may hinihintay.
Ilang saglit pa ay dumating ang mga suspek sakay ng motorsiklo at tumapat sa biktima at tila nag-usap pa hanggang sa magbunot ng baril ang nagmamaneho ng motorsiklo ng mga suspek at pinutukan ang biktima.
Tumakas ang mga suspek habang kasamang bumagsak ang biktima sa inangkasan motorsiklo kung saan agad na itinayo ng inangkasan ng nasawi ang motorsiklo at mistulang hinabol ang mga suspek.
Nakunan din ng ibang cctv ng barangay na naabutan ang mga suspek subalit nilagpasan lang at lumiko sa kasunod na u-turn slot na sinundan din ng mga huli hanggang sa makatakas lulan ng mga motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.
Hinala ng mga pulis na magkakakilala ang mga suspek, biktima at inangkasan ng nasawi kung saan inaalam na ang mga pagkakakilalanlan ng mga ito.
The post Bebot nilaglag ng inangkasan, patay appeared first on Remate.