Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Nambugbog kay Vhong, kinasuhan sa NBI

$
0
0

PATONG-PATONG na kaso ang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DoJ) laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at iba pang kasabwat kaugnay sa pambubugbog sa TV host/actor na si Vhong Navarro.

Anim na kaso ang isinampa kina Lee at Cornejo, kabilang na ang serious illegal detention, na isang non-bailable offense.

Bukod dito, kinasuhan din ang grupo ni Lee ng grave threat, illegal arrest, grave coercion at extortion.

Si Berniece Lee, kapatid ni Cedric Lee, at 3 pang suspek ay dawit din sa kaso.

Kabilang sa mga dokumento na hawak ng NBI ay ang sworn statement ni Navarro, ang medico legal, salaysay ng mga security guard na naka-duty noong gabi ng maganap ang pambubugbog, salaysay ng pulis na nagpasok ng blotter, at ang CCTV footages na kuha mismo sa condominium unit ni Cornejo.

Ngayong araw ay  personal na nagtungo sa ospital ang mga ahente ng NBI kung saan nilagdaan at sinumpaan ni Navarro ang kanyang complaint-affidavit.

Ikinatuwa naman ng kampo ni Navarro ang mga pahayag nina Lee at Cornejo sa ilang media interviews dahil lalo lamang itong nagdiin sa dalawa dahil sa pabago-bago nilang salaysay.

The post Nambugbog kay Vhong, kinasuhan sa NBI appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>