POSIBLENG humingi ng proteksyon ang aktor na si Vhong Navarro.
Ayon kay Atty. Dennis Manalo, abogado ni Navarro, ito ay kasunod na rin ng pagtatangkang pasukin ng isang lalaki ang bahay ng actor/TV host sa Quezon City.
Pinag-aaralan na ng kampo ni Navarro na humingi ng proteksyon sa DoJ sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP).
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Justice Secretary Leila de Lima na aaksyon ang kagawaran kapag may natanggap na silang pormal na kahilingan mula sa kampo ni Navarro.
Tiniyak din ng kalihim na magkakaroon ng patas na imbestigasyon ang NBI sa kaso.
Pero bukod sa insidente ng pambubugbog, kasama rin sa iniimbestigahan ng NBI ang tungkol sa paratang na attempted rape ng kampo ni Deniece Cornejo.
The post Vhong Navarro hihingi ng proteksiyon appeared first on Remate.