Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pumatay sa dalaga noong Bagong Taon, kilala na

$
0
0

KILALA na ng mga pulis ang dalawang lalaki na bumaril at nakapatay sa dalaga matapos magsalita na ang dalawang kasama ng huli sa Caloocan City.

Kasong murder ang isinampa sa mga nakalalaya pang sina Jomarie Relojo at isang alyas Michael Tattoo kapwa ng Phase 7-B, Bagong Silang ng lungsod.

Sa record, alas-5 ng madaling-araw noong Bagong Taon, angkas sa motorsiklo ni Rowel Berganio ang biktimang si Mary Joy Caare, 21 at si Nino Villarin at habang nag-iikot sa kanilang lugar sa Phase 7-C, Bagong Silang nang harangin ng mga suspek na may dalang baril.

Nagawang makatakbo ng dalawang lalaki habang naiwan ang biktima na binaril sa ulo na naging dahilan ng agad na kamatayan.

Sa una ay natakot ang dalawang saksi dahil sa kanilang buhay at nang magkaroon ng lakas ng loob ay sinabi na ang dalawang suspek ang responsable sa pagkamatay ng dalaga.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa pagpatay sa dalaga.

The post Pumatay sa dalaga noong Bagong Taon, kilala na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


PAGBABATA


Ruru Madrid ultimate crush ni Klea Pineda


PAKIALAMERONG DIREKTOR NG NORTH CEMETERY


Final Destination 6, kasado na


Ivana Alawi itinanggi ang pagbibigay ng umano’y escort service


Ibong Adarna Script


MAMIYAPIS


DELEGADO


KANTUTAN


Inambus na ex-mayor naibulong ang killer bago natigok


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Beer Garden sa Lawton, pinasara ni Isko


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


KUDA


HAWI


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


Toni at direk Paul, tuloy na ang kasalan!



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>