KINUMPIRMA ngayon ng manager ni Vhong Navarro na si direktor Chito Roño na may nagbabanta sa buhay ng aktor/TV host.
Ani Roño, nagpapagaling na ngayon si Vhong matapos mabugbog ng grupo ng kalalakihan sa Taguig pero gayunpaman ay may banta pa sa kanyang buhay sa pamamagitan ng text messages.
Nabatid na patuloy na hinihingan ng pera ang aktor.
Sa ngayon ay naghahanda na ang kampo ng aktor ng kaso na isasampa sa babaeng ayaw muna pangalan at mga barkada nito.
Matatandaan na Miyerkules ng gabi nang pagtulungang bugbugin si Navarro ng anim na suspek sa condo ng kanyang babaeng kaibigan.
Bago bugbugin ay piniringan muna si Vhong saka iginapos sa silya at hiningan ng pera.
Kailangan namang sumailalim sa operasyon ng aktor nang magkaroon siya ng hematoma.
The post Vhong Navarro, may banta sa buhay appeared first on Remate.