INIIMBESTIGAHAN na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang banggaan ng dalawang temper type boat kung saan lumubog ang isa sa karagatang sakop ng Barangay Labuan, Zamboanga City kaninang madaling-araw.
Nailigtas naman ang walong pasahero nang lumubog na bangka.
Alas-3:00 ng madaling-araw kanina nang mangyari ang banggaan ng motor temper Aj Express at motor temper Wilma.
Nabatid na walang navigation lights ang motor temper Wilma at mabilis ang takbo kaya nabangga ang kasalubong na motor Aj Express.
Kasalukuyan naman pinipigil ng awtoridad ang kapitan ng bumanggang motor temper.
Agad ding inalam ng PCG kung may oil spill sa baybayin.
The post 2 bangka nagbanggaan sa Zambo, 1 lumubog appeared first on Remate.