PINALAGAN ng Malakanyang ang pahayag ni Ilocos Norte 2nd District Rep. Imelda Marcos na hindi makatao ang naging pagtrato ng gobyernong Aquino kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma, Jr. na walang masamang tinapay si Pangulong Benigno Aquino III kay Mrs. Arroyo kaya’t hindi aniya dapat na masamain ang ginawa ng pamahalaan na panatilihin ang huli sa Veteran’s Memorial Medical Center (VMMC) kung saan ito naka-hospital arrest at tanggihan ang apela na makapunta ng ibang bansa para makapagpagamot.
Hindi rin aniya natatakot ang Malakanyang kung tila nagsisimula nang magsanib puwersa sina dating Pangulong Fidel V. Ramos, dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada at Mrs. Arroyo para paghandaan ang 2016 elections.
Ayon kay Sec. Coloma, karapatan ng mga ito na gawin ang mga nais nilang gawin partikular na ang bisitahin ang dating lider.
“Buo ang kanilang laya na ginawa iyon. Wala namang masama sa kanilang ginawang pagdalaw,” aniya pa rin.
The post Malakanyang pumalag sa pahayag ni Mrs. Marcos appeared first on Remate.