MAHIGIT sa 80 high school student sa Central Philippine University (CPU) sa Jaro, Iloilo City ang isinugod sa Iloilo Mission Hospital nang ma-gas poison.
Nabatid na nasa Rose Memorial Auditorium ang mga estudyante nang makaamoy ng parang nasusunog na bagay hanggang sa nawalan ng malay kaninang hapon.
Inaalam na kung ano ang sanhi sa gas poisoning.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang amoy sa sumabog na freon ng air condition na agad namang itinanggi ng pamunuan ng eskuwelahan.
The post 80 estudyante na-gas poison sa Iloilo appeared first on Remate.