PUMALAG si Justice Secretary Leila de Lima sa pasaring ni Davao City Mayor Rogrigo Duterte hinggil sa naging trabaho ng National Bureau of Investigation (NBI) upang matukoy ang sinasabing rice smuggling king na si David Tan.
Ayon kay De Lima, hindi nagpapabaya ang NBI sa kanilang trabaho at marami aniya silang ginagawa lalo na sa imbestigasyon.
Iginiit ng kalihim na hindi aniya nagpapabaya ang ahensiya sa pagtukoy sa nasabing kaso.
Una rito, inihayag ni Duterte na pawang publicity lamang ang mga naging pahayag ni De Lima sa itinuturong Davidson Bangayan o David Tan na tinawag pa nitong mahina.
Una nang pinayuhan ni Duterte sa isang panayam si De Lima na mas mabuting magtrabaho na lamang at gawin kung ano ang sinasabi.
The post Duterte pinalagan ni Justice Sec. De Lima appeared first on Remate.