SINUSPINDE na ang klase sa ilang lugar sa Mindanao bukas, Lunes, Enero 20 dahil pa rin sa sama ng panahon.
Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) officer Erma Suyo, wala nang pasok sa lahat ng antas sa Agusan del Norte dahil sa matinding pagbahang dulot ng bagyong Agaton.
Wala na ring klase sa lahat ng antas sa Compostela Valley, Davao del Sur at Davao Occidental.
Samantala, sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kabilang sa nasa public storm warning signal no. 1 ang Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao del Norte, Davao del Sur at Compostela Valley.
The post Eskuwela sa ilang lugar sa Mindanao kanselado bukas appeared first on Remate.