NASA 40 katao na ang casualty sa sama ng panahon na tuluyan nang naging bagyo at tinawag na Agaton sa bahagi ng Visayas-Mindanao.
Ayon sa latest report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), karamihan sa mga namatay ay dahil sa baha, pagguho ng lupa at pagtama ng malalaking alon.
May naitala namang 65 na nasugatan, habang lima ang nawawala.
Nananatili namang stranded ang nasa 7,386 pasahero mula sa Bicol at Visayas.
The post UPDATE: Patay kay ‘Agaton’ 40 na appeared first on Remate.