Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Malamig na panahon hanggang Pebrero pa

$
0
0

HANGGANG Enero at unang bahagi pa ng Pebrero, tatagal ang malamig na panahon,  ayon sa ulat kaninang umaga ng state weather bureau.

“Even at daytime, the weather is cool primarily because of the strength of icy winds blowing from Siberia,” paliwanag ni Robert Sawi, officer in charge ng weather division ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Kahit ang northeast monsoon, o mas kilalang  hanging amihan na nagsimula sa huling bahagi ng nakaraang taon ay nararanasan pa rin sa bansa na tatagal hanggang Pebrero.

Base sa PAGASA’s climate data, ang pinakamababang temperatura sa Metro Manila ay naitala noong Pebreo 1962, na 14.6 degrees Celsius, sa Science Garden sa Quezon City.  Ang Baguio City, na summer capital ng bansa ay nakapagtala ng pinakamalamig na klima noong Enero 1961, na 6.3 degrees.

Ngayong 2014, ang pinakamababang temperatura sa Metro Manila ay 19.2 degrees Celsius at naitala ito noong Jan. 1 at Jan. 12. Naitala naman ang pinakamalamig na  temperatura sa Baguio sa 9.6 degrees, at ito ay naramdaman noong Enero 12 din.

The post Malamig na panahon hanggang Pebrero pa appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>