Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Vice di matanggap na mas mabenta ang anak ni Kris sa takilya

$
0
0

INAMIN ni Kris Aquino na nagkalamat ang pagkakaibigan nila ni Vice Ganda dahil lamang sa kita ng kani-kanilang pelikula sa takilya bilang entry sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Mahigpit na magkalaban ngayon sa takilya ang pelikula ng anak ni Kris na My Little Bossings at ang Girl Boy Bakla Tomboy na pinagbibidahan naman ni Vice.

“Yes. Let’s be honest, siyempre may effect sa amin.”

Bagamat naayos aniya agad ang nasabing gusot ay tila naman hindi pa rin matanggap ni Vice na tinalo siya ng anak ng TV host.

Kuwento pa ni Kris na sinabi aniya ni Vice sa kanya na “Lakas talaga” na tila ba kinukuwestiyon ang pangunguna ng pelikula ng kanyang anak.

“He said, ‘Lakas talaga,’ gano’n ang sabi niya. “Then I told him, ‘Tapos na ‘yan, ha?’ “Sabi niya, ‘Oo naman. Nagulat lang ako na ganun sila kalakas.’ “Tapos sinabi ko, ‘Bata e,’ ‘yon lang.

Kasama rin ni Bimby sa My Little Bossings sina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon na sa tingin ng TV host ay isa sa ikinaiinis ni Vice.

Katapat din ng timeslot ng It’s Showtime kung saan host si Vice ay ang Eat Bulaga! kung saan host naman sina Vic at Ryzza Mae.

Mabuti na lang ani Kris at kahit papaano ay nilawakan niya ang kanyang isip at sinabing hindi naman iyon tungkol sa kanila ni Bimby kundi dahil sa magkaribal lang talaga maging ang timeslot ni Vice at mga taong kasama ng kanyang anak sa My Little Bossings.

Ani pa ni Kris, inisip na lang niya na ang kanyang anak ay 6-anyos lamang habang si Vice ay nasa late 30s na.

“So, parang sinabi ko, lifelong kay Bimby Ito, once lang ‘to sa kabataan ng anak ko. “Naisip ko na lang na happy-happy, we all won.”

Samantala, hindi naman nagustuhan ng mga fans ni Kris ang inasta ni Vice.

Masyado naman anilang lumaki ang ulo ni Vice sa paniniwalang walang makakatalo sa kanya sa takilya.

Feeling anila ni Vice ay nasa pedestal na ito at lahat ay natutuwa sa kanya.

Dapat anila na tanggapin ni Vice na mas mabenta talaga ang pelikula ni Bimby kaysa sa kanyang entry.

The post Vice di matanggap na mas mabenta ang anak ni Kris sa takilya appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan