Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Tips para mapaamo ang kalalakihan

$
0
0

MAHIRAP para sa lalaki ang basta na lang sumunod sa kapareha kahit sa ano pa mang usapin.
Ang rason, lalaki sila. Kaya dapat sila ang nasusunod, puwera na lang silang ‘since birth’ ay under na.

Pero ika nga, kung ang mga mababangis nga na hayop ay napapaamo, sila pa kaya? Iyan ay nakadepende sa pagdadala ng kababaihan sa kanilang mood.

Sa totoo lang, madali lang talaga silang dalhin at imanipula, kung alam lang ng girls ang kanilang mga kiliti.

Kaya bilang tips, narito ang ilang paraan upang sila ‘ma-under.’

PAAMUHIN––Wala sa bokabularyo ng kalalakihan ang basta na lang manahimik, lalo kung gustong-gusto nila ang isang bagay lalo na kapag babae.  Kumbaga, kung ano ang gusto nila, yun ang kanilang sinusunod. Kaya naman, mahalaga para sa kababaihan na malaman kung papaano sila pakalmahin at maghinay-hinay sa kanilang nais gawin. Papaano? Tingnan sila nang diretso sa mga mata, sabihin ang inyong nasasaloob at iparamdam sa kanila na seryoso kayo at kailangan nilang kayo ay sundin.

HAYAANG MAPAG-ISA––Dapat malaman ng kababaihan kung kailan nais ng kalalakihan na mapag-isa. Kaya makatutulong kung alam ninyo kung papaano sila oobserbahan. Iwasang kulitin nang kulitin nang hindi maalibadbaran. Ito ay kapag nakikinig lang sila sa inyong pagkukuwento o kaya naman ay malayo ang iniisip. Kapag nagawa nyo, makukuha nila ang inyong respeto bukod sa hahangaan ka pa nila.

PURIHIN–––Bukod sa pag-reject sa kanila, nais din ng kalalakihan na purihin sila kapag may maganda silang nagagawa. Kung may ilang babaeng itinatago ang anumang hinahangaan sa kapareha, puwes mainam sinasabi ito. Sa ganyang paraan, ang anumang hihilingin ay magkakaroon ng katuparan. Mas gusto kasi ng guys ang nilalambing sila dahil agad na bumibigay.

PARA MAG-OPEN UP SA INYO––Mas pribado ang kalalakihan pagdating sa kanilang mga problema. Hangga’t maaari ay nais nilang sarilinin ito. Kaya upang maramdaman nyo girls na kayo ay kanilang pinagkakatiwalaan, ibukas ang sarili sa kanila. Kuwentuhan sila ng inyong napagdaanang problema o anupaman. Sa ganyang paraan, kusa silang magbubukas ng problema. Pagkatapos, tanungin sila kung ano ang kanilang nararamdaman at hindi kung ano ang kanilang naiisip.

PARA I-TURN DOWN–––Kahit sino ay ayaw na mare-reject at magmukhang kaawa-awa. Pero lalong ayaw ito ng kalalakihan. Kaya kung ayaw ninyo girls sa isang lalaki, sabihin ito nang diretsahan pero hindi sa paraang mawawala ang kanilang tiwala sa sarili.

Huwag silang takbuhan, bagkus ay prangkahin sila.

The post Tips para mapaamo ang kalalakihan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan