TUTOL ang ilang kongresista sa panukalang pagkalooban si Pangulong Aquino ng emergency power upang sugpuin ang napipintong krisis sa enerhiya.
Sinabi nina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Carlos Zarate na “Bayan Muna will oppose this deceptive move because it is baseless and has an evil agenda. It plays into the ploy of the power cartel to divert public attention from the real issue which is the unprecedented and illegal power rate hike imposed by Meralco and its cabal of suppliers.”
Ani Colmenares, ang eskimang ito ay ginawa na noong panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na nabigyan din ng emergency powers subalit ginamit lamang upang makapasok ang mga pinaborang independent power producers (IPP) at makapagtayo ng power plants sa loob ng 24 buwan.
Hindi rin aniya malayong samantalahin ng mga tiwaling opisyal ang emergency powers.
Tutol din sa pagkakaloob ng emergency powers si ACT Teachers Rep. Antonio Tinio
“The proposal is an opportunistic attempt to use the threat of power outages aired by Meralco to provide the President with powers to circumvent legally-mandated procurement processes and procedures. In so doing, opportunities for corruption can only multiply,” ani Tinio.
Si Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang nagsusulong na mabigyan ng emergency powers si PNoy.
The post Emergency powers kay PNoy sinopla appeared first on Remate.