UMAKYAT na sa 70 milyong kostumer ang nabiktima ng data breach o pagnanakaw ng impormasyon sa isang kilalang tindahan sa Amerika nitong nakalipas na holiday season.
Ayon sa giant retailer na “Target”, halos doble na mula sa una nilang pagtayang 40 milyon ang biktima ng data hacking sa tindahan noong Disyembre.
Kabilang sa mga nakuhang impormasyon mula sa mga payment card sa “Target” ang pangalan ng kostumer, kanilang mailing address, phone numbers at e-mail address.
Kasabay ng paghingi ng tawad, tiniyak ng pamunuan ng pamilihan na walang magiging pananagutan ang mga kostumer sa insidente.
“I know that it is frustrating for our guests to learn that this information was taken and we are truly sorry they are having to endure this,” sabi ni Gregg Steinhafel, chairman, president at chief executive ng “Target”.
Hindi pa tukoy ang mga nasa likod ng pagnanakaw ng impormasyon mula sa tindahan.
The post 70M credit at debit card holders biktima ng data breach sa US appeared first on Remate.