NAGHAIN ng resolusyon ang dalawang senador upang imbestigahan ang sinasabing maanomalyang pagpapatayo ng bunkhouse para sa biktima ng Yolanda sa Eastern Visayas.
Kapwa inihain ngayon nina Senador Bongbong Marcos at Sen. Miriam Defensor-Santiago ang Senate Resolution No. 439 at 436 upang ipatawag si Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson at magbigay linaw sa pagpapatayo ng 203 bunkhouse sa Leyte at Easter Samar na hindi sumunod sa international standards.
“It is crucial to look into these issues to make sure that the victims of Yolanda will no longer be victimized further by corruption and abuses perpetrated by the callous culprits who take advantage of the desolate condition in the affected areas,” ayon kay Marcos.
Sinabi naman ni Santiago na dapat maipakita ng pamahalaan ang transparency at accountability na ipinamamarali ng administrasyon para sa rehabilitasyon ng mga lugar na hinagupit ng bagyong Yolanda sa kabila ng bilyong halaga ng tulong.
Bukod kina Marcos at Santiago, naghain na rin ng hiwalay na resolusyon si Senador JV Ejercito upang imbestigahan ang isyu.
The post Overpriced bunkhouses iimbestigahan ng Senado appeared first on Remate.