UMAKYAT na sa 400 deboto ang binigyan ng first aid ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga pangunahing lugar na dinaanan ng prusisyon ng Itim na Nazareno ngayong araw sa Maynila.
Sa ulat ng PRC ng alas-2:00 ng hapon, 400 pasyente na ang kanilang binigyan ng paunang lunas.
Kasama sa mga ito ang 135 na mga deboto na isinailalim sa blood pressure check-up, 227 na nagkaroon ng minor injuries habang apat ang isinugod sa ospital.
Balita namang isang deboto ang puputulan ng daliri sa paa matapos madaanan ng karosa ng Itim na Nazareno.
The post UPDATE: Deboto na isinailalim sa medical attention 400 na appeared first on Remate.