Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Malakanyang nakiisa sa mga deboto ng Itim na Nazareno

$
0
0

NAKIISA ang Malakanyang sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno na taunang idinaraos upang patatagin ang manipestasyon ng pananampalataya ng sambayanang Filipino.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma Jr., kaisa sila ng mga deboto sa okasyong ito.

Kinatigan naman ni Sec. Coloma ang naging panawagan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na bilang mga Kristiyano ay kailangang sanayin pang lalo ang pananampalataya at manipestasyon ng pagmamahal sa Panginoon sa isip at gawa.

Sa kabilang dako, kaisa aniya sila ng sambayanang Filipino at ng buong Catholic community sa pagdarasal at pagtatrabaho para sa rehabilitasyon  ng mga calamity areas habang nananatiling vigilante sa paglaban sa korapsyon at pagsusulong ng reporma sa pamamagitan naman ng maayos na pamamalakad.

Nauna rito, sinabi ni Cardinal Tagle sa mga deboto ng Itim na Nazareno na huwag kalimutang isama sa kanilang mga panalangin ang mga kababayang biktima ng sunod-sunod na kalamidad sa bansa lalo na ng bagyong Yolanda at lindol sa Bohol.

Sa kanyang homily ay sinabi nito na “Ang tunay na nag-iisip lagi kay Hesus ay di gagawa ng mga bagay na taliwas kay Hesus. Ang pagdarasal ay nagbubunga ng pagsunod kay Hesus. Araw din ito ng pagtanong sa sarili, “ako ba ay tunay na sumusunod? Ako ba ay napapalapit kay Hesus at ang kanyang mga habilin na aking sinusundan?”

The post Malakanyang nakiisa sa mga deboto ng Itim na Nazareno appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>