TINIYAK ng Department of Education (DepEd) na handa na ang mga silid aralan sa pagsisimula ng klase sa araw ng Huwebes (Jan.3, 2012) sa Region XI na matinding nasalanta ng bagyong Pablo.
Ayon kay DepEd Secretary Br. Armin Luistro, nakatakda siyang tumulak sa nasabing rehiyon para mainspeksiyon ang mga gusali at silid aralan sa inaasahang pagdagsa ng mag aaral.
Ayon pa sa kalihim, hindi dapat na maging hadlang ang kalamidad sa pagsusumikap ng mga mag-aaral na matuto kung kayat dapat na handa na ang lahat sa kanilang pagbabalik.
Dapat din umanong makabalik agad sa normal na buhay ang mga mag-aaral na nasalanta ng bagyo.
Kabilang sa mga bibisitahin ni Sec. Luistro an gang mga bayan ng Cateel, Boston at ang bayan ng Baganga sa Davao Oriental, na isa sa mga lugar na pinaka-nasalanta ni Pablo.
Nakatakda rin umanong bisitahin ni Secretary Luistro ang Caraga region na sinalanta rin ng bagyo para matiyak na handa na rin ang nasabing lugar sa pagsisimula ng klase.