NAGLULUKSA ang buong Simbahang Katoliko dahil sa pagpanaw ni Jesuit priest Fr. James Reuter.
Pumanaw si Fr. Reuter sa edad na 96 na taong gulang.
Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, labis silang nalulungkot sa pagkamatay ng pari na isang mabuting tagapaglingkod ng Panginoon at ng mga mamamayan.
“I am very sorry to hear of his death. He was a very pious and exemplary Jesuit priest who was always wearing his sotana, the habit of Jesuits,” ani Bastes. “He was a great communicator of the Good News of Jesus, using modern media, even musicals, plays and movies.”
Ipinaliwanag pa ni Bastes, na bagamat isang Amerikano, mahal na mahal ni Reuter ang Pilipinas at ikinukonsidera nito ang kanyang sarili bilang isang Pinoy.
“We Pinoys will surely miss Fr. James Reuter. He will continue to direct plays and musicals in heaven,” pagtiyak pa ni Bastes.
Si Reuter ay pumanaw dakong 12:51 ng tanghali nitong Lunes sa Our Lady of Peace Hospital, sa Paranaque matapos na makaranas ng mild stroke noong isang linggo.
Kinilala si Reuter dahil sa pagiging aktibo nito sa paggamit ng mass media sa pagpapalaganap ng mga aral ng Simbahang Katoliko.
Sa edad na 22, dumating sa Pilipinas si Reuter bilang isang seminarista at hindi na ito umalis pa.
Kabilang si Reuter sa mga tumulong upang maitatag ang Radio Veritas at nakipaglaban para mapanatili ang Catholic radio stations noong panahon ng Martial Law.
Nagsilbi rin siya bilang executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at nagturo sa Ateneo de Naga at Ateneo de Manila at 1984 naman nang maging honorary citizen si Reuter ng Pilipinas.