Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Mag-asawang negosyante tinangayan ng P4-M ng Customs agents

$
0
0

NAGSASAGAWA na ng manhunt operation ang pulisya laban sa grupo ng kalalakihan na nagpakilalang ahente ng Bureau of Customs at nakapagtangay ng mahigit P4 milyon halaga ng cellular phones at cash sa mag-asawang negosyante noong nakaraang linggo sa Pasay City.

Kanina lamang nakumpleto ng Pasay police ang imbestigasyon sa reklamo ng mag-asawang Lovely Choi, 33 at Evan Choi, ng 2 Barangay Capitol Hills, Quezon City na natangayan ng may 80 piraso ng bagong iphone 5s, P300,000 cash at dalawang ATM card ng mga nagpakilalalang ahente ng BOC.

Ayon kay Pasay police chief Senior Supt. Florencio Ortilla, nakipagtransaksiyon sa mag-asawa ang isang Leah Larayna para sa pagbili ng mga bagong cellular phone at itinakda ang kanilang pagkikita sa lobby ng SM Sea Residences Condominium sa Macapagal Blvd. alas-6 ng gabi.

Gayunman, nang dumating sa lugar ang mag-asawa, nakausap nila sa cellphone si Larayna at sinabing ang kanyang asawa ang magtutungo sa lugar dahil nasa bangko pa siya at nagwi-withdraw ng pera.

Ilang sandali pa’y dumating ang isang lalaki na nagpakilalang asawa ni Larayna at tinanong kung dala na ng mag-asawa ang bibilhing cellular phone para mabayaran na niya ng cash.

Nang matiyak na dala na ng mag-asawa ang mga bagong iphone 5s, bumalik sa kotse ang lalaki upang kunin ang pambayad subalit nang magbalik ay may kasama ng tatlo pang kalalakihan na nagpakilalang ahente ng BOC at kinumpiska ang tatlong bag ng mag-asawa na naglalaman ng cellular phones, cash at kanilang ATM cards.

Hindi pa nasiyahan ay kinaladkad ng mga suspek ang ginang patungo sa nakaparadang Nissan Altera na may conduction sticker ng KD 1493 habang nagawa namang makatakas ni Evan.

Habang nasa kahabaan ng Coastal Road sa Parañaque City, hinihingan pa ng mga suspek ang ginang ng kalahating milyon kapalit ng hindi nila paghahain ng kasong smuggling na walang kaukulang piyansa.

Nagmakaawa ang ginang hanggang sa ibaba siya ng mga suspek sa tapat ng Bamboo Organ sa Las Pinas City hanggang sa makahingi siya ng tulong sa mga pulis.

The post Mag-asawang negosyante tinangayan ng P4-M ng Customs agents appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>