MALAKI ang maitutulong ng paglalagay ng pansamantalang mass grave sites at ang pagbabalik ng National Bureau of Investigation forensic teams sa pagpapalibing sa mga namatay makaraang hambalusin ang kanilang lugar ng bagyong Yolanda.
Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte na ang pansamantalang burial sites ay magbibigay daan para sa forensic teams na makilala ang mga nasabing bangkay.
“Nagsimula na kasi sila magkaroon ng temporary mass site. At ang usapan nila ay pwede silang ma-exhume as needed,’ anito.
Sinabi pa ng opisyal na nagpulong ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa bagay na ito at napagkasunduan na magkaroon ng kanya-kanyang responsibilidad.
Sa kabilang dako, nagbalik na ang NBI Disaster Victim Identification Team sa Tacloban City upang ituloy ang kanilang ginagawa sa mga nalalabing bangkay.
The post NBI forensic teams magpapabilis sa pagpapalibing sa Yolanda victims appeared first on Remate.