IIMBESTIGAHAN ng Senado ang multi-bilyong “Ligtas-Tigdas” program ng Department of Health (DoH) sa nakalipas na 15 taon matapos ilunsad ang programa noong 2008 sa harap ng tumataas na bilang ng nagkakasakit sa Metro Manila at Kabisayaan.
Sinabi ni Senator Nancy Binay na nakatakda siyang maghain ng resolusyon sa susunod na linggo upang imbestigahan ng Senate committee on health ang multi-bilyong pisong pondong inilaan sa pagbabakuna ng mga batang 9 na buwan hanggang 15 taong gulang.
“The Philippines should have had eliminated measles in 2008—but something very wrong happened along the way,” ayon kay Binay.
Noong 2013, umabot sa P2 billion ang pondo ng DOH para sa expanded immunization program. Tumaas ito sa P2.85 bilyon sa taong kasalukuyan para sa katulad na programa.
Nanghinayang din si Binay sa pagbagsak ng programang “Ligtas-Tigdas” na sinimulan ng DOH noong 2008 na dapat sana, wala nang katulad na sakit na mas tumindi ngayon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kukuwestiyunin ni Binay ang DOH kung mahigpit nitong ipinatupad ang kautusan sa programa hanggang sa household level.
Dahil dito, sinabi ni Binay na nakatakda siyang maghain ng panukalang resolusyon upang magkaroon ng pagsusuri sa immunization program ng pamahalaan na dapat sana ‘zero” measles record na simula noong 2008, 10 taon matapos tiyakin ng pamahalaan na magsasagawa ng mass measles vaccination na tinutudla ang batang edad 9 na buwan hanggang 15 taong gulang.
Inilunsad ang “Ligtas-Tigdas” program noong 2008 na may layunin na magkaroon ng mass measles immunization campaign na pagtutulungan ng DOH, local government units, Department of Education at Department of the Interior and Local Government.
The post Multi-bilyong ‘Ligtas-Tigdas’ DOH program, kakalkalin ng Senado appeared first on Remate.